Paghina ng piso sa dolyar, di pa magdudulot ng pagtaas ng interest rate – Finance Sec. Recto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Finance Secretary Ralph Recto na hindi pa magdudulot ng pagtaas ng interest rate ang kasalukuyang paghina ng piso sa dolyar.

Ito ang pahayag ni Recto sa media sa gitna ng kasalukuyang palitan ng piso sa dolyar, na sa ngayon ay nasa P57.96.

Aniya, nakadepende ang pag-aksyon ng monetary board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa “inflation data”.

Bumaba ang halaga ng piso mula sa 17-month high— epekto ng mataas at matagal na US Federal rate at tension sa Gitnang Silangan.

Sa May 16, nakatakda ang susunod na policy meeting ng monetary board kung saan kabilang ang kalihim sa panel.

Una nang sinabi ni BSP Gov. Eli Remolona na “on course” pa rin ang kanilang planong rate cut sa huling bahagi ng taon o first part ng 2025. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us