Pinasalamatan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang Melon farmers nito matapos ang isa nanamang matagumpay na ani.
Ayon kay Cayetano, natutuwa siyang isipin na kasabay ng modernong panahon ay nananatiling buhay ang mga tradisyon na aniya ay hinding-hindi dapat makalimutan.
Sinabi ng alkalde ang naturang pasasalamat sa mismong Melon Festival kung saan ipinagdiwang ang nasa halos dalawang libong metriko toneladang ani na melon.
Paliwanag ng alkalde na dahil sa naturang pagdiriwang ay mas lalong lumalalim ang kaalaman ng mga taga-Taguig partikular ng mga kabataan sa kanilang kultura at kasaysayan.
Ipinagmamalaki ng Taguig ang kanilang “probinsyudad” slogan kung saan patuloy nitong ipinagdiriwang at tinatanaw ang kultura at kasaysayan habang nakikisabay sa modernisasyon ng panahon. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: Taguig LGU