Tututukan ng bagong liderato ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapalakas sa kakayahan ng mga Pulis para sa mas epektibong pagtupad nila sa tungkulin
Ito ang pahayag ni Police General Rommel Francisco Marbil, makaraang tanggapin nito ang hamon na pamunuan ang nasa mahigit 230,000 miyembro ng Pambansang Pulisya.
Sa ilalim ng layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa Bagong Pilipinas, sinabi ni Marbil na kanilang itutulak ang streamlining sa kanilang organisasyon.
Idagdag na rin diyan ang tama at responsableng paggastos at paglalagay ng mga angkop na imprastraktura gayundin ng mga itatalagang tao upang masiguro ang epektibo at maaasahan na pagsunod sa itinatakda ng batas.
Tiniyak din ni Marbil na isasaalang-alang din nila ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pulis na tumutupad ng ayos sa kanilang tungkulin para sa bayan sa pamamagitan ng mga makabagong sistema na siyang maghahatid ng positbong pagbabago. | ulat ni Jaymark Dagala