Hindi isinasantabi ng Task Force El Niño ang posibilidad na makaranas ng water shortage o paghina ng water pressure sa Metro Manila dahil sa matinding init na nararanasan sa kasalukuyan.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, ipinaliwanag ni PCO Asec. Joey Villarama, ito ay dahil na rin sa nakikitang pagbaba ng lebel ng tubig sa mga dam, kasabay na rin ng pagpasok ng summer season.
Pagsisiguro ng opisyal, mayroong back-up ang gobyerno para mapagkuhanan ng suplay ng tubig.
Mayroon aniyang 137 deep wells na nakakalat sa Metro Manila.
Nasa 69 sa mga ito ay naka-stand by, 10 sa mga ito ay operational na, at maaaring i-tap ng MWSS upang ibigay sa dalawang water concessionaire.
“Mayroon rin tayong package treatment plants, kung saan ginagamit ang waste water, niri-reprocess para magamit. So, ang Maynilad, very recently, mayroong inaugurated na treatment plants sa Muntinlupa, ang tubig na ginagamit dito ay galing sa Laguna da Bay. In terms of contingency measures, meron po tayo.” – Asec Villarama. | ulat ni Racquel Bayan