Inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang mensahe ng Pangulo sa paglulunsad ng Eneregy Sector Emergency Operations Center at Mobile Energy System, ngayong araw.
Sa mensahe, binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng kuryente sa panahon ng sakuna, relief operations emergency response, at reconstruction.
Aniya, kung walang kuryente mawawalang saysay ang mga ospital upang bigyan lunas ang mga may sakit, masisira ang pagkain, at mawawalan ng komunikasyon.
Sinabi ng Pangulo, sa mga biktima ng kalamidad at sakuna wala nang ibang pang tiyak sa kanilang pagkakaroon ng maayos na kalagayan kung hindi ang assurance ng may kuryente.
Samantala, pinasalamatan din ng Pangulo ang United States Agency for International Development at Department of Energy, sa teknolohiya at inobasyong magpapatatag ng energy system sa bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes