Welcome sa Social Security System (SSS) ang pagkakatalaga ni Jesus P. Sale Jr. bilang bagong miyembro ng Social Security Commission (SSC), na governing board ng ahensya.
Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, itinalaga ni Pangulong Marcos Jr. si Sale sa SSC noong March 26, 2024 at pormal itong nanumpa sa tungkulin noong April 11.
Handa na rin aniya si Macasaet na makatrabaho ang bagong miyembro ng SSC lalo na sa mga programa na makatutulong sa labor sector.
“We welcome the newest member of the SSC as announced by Malacañang, Atty. Jesus “Jojo” Sale. We look forward to working closely with him in the Commission, especially for programs that will benefit the labor sector,” Macasaet.
Pinalitan ni Sale si Anita Bumpus-Quitain, na nagsilbi sa SSC mula noong 2016.
Kasama naman sa magiging tungkulin ng opisyal ang pagbuo ng policy directions sa SSS.
Si Sale ay isa nang beteranong public servant na nagsilbi na rin sa iba pang ahensya kabilang ang National Economic and Development Authority (NEDA), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at Central Bank Board of Liquidators. | ulat ni Merry Ann Bastasa