Mariing kinondina ng dalawang mambabatas ang nangyaring paghijack sa Portuguese containership na MSC Aries kung saan lulan ang apat na Pilipinong Marino.
Sa statement na inilabas nil House Committee on Overseas Workers Affairs Chair at Kabayan Partylist Rep. Ron Salo, nanawawagan ito sa pagsasabatas ng Magna Carta of Filipino Seafarers upang maipagkaloob sa mga marino ang mas ibayong proteksyon tuwing may krisis.
Pinuri naman ng mambabatas ang mabilis na pag-aksyon ng Department of Migrant Workers (DMW) sa tulong ng Office of the President, Department of Foreign Affairs (DFA), at ang mga kinauukulang licensed manning agencies sa kanilag pagsisikap na makalaya ang ating mga kababayan at pag-agapay sa kanilang mga pamilya.
Muli namang nanawagan si OFW Partylist Rep. Marissa “delmar” Magsino sa United Nations Security Council na mamagitan sa pagbibigay ng seguridad sa mga barko na naglalayag sa baybayin.
Aniya, nalalagay sa panganib ang buhay ng ating mga kababayang marino sa patuloy na nagaganap na geopolitical tension at nagiging collateral damage sa mga kaguluhang sumisiklab sa ibat ibang bahagi ng mundo.
Tiniyak din ng lady solon ang patuloy nilang pagtutok at pakikipag ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang mabigyan ng agarang aksyon ang insidenteng at mailigtas ang mga Filipino seafarers. | ulat ni Melany Reyes