Pateros LGU, nag-anunsyo na rin ng alternative work arrangement

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ng Municipal Government ng Pateros ang mga residente nito at ng publiko na ipinapatupad na sa kanilang tanggapan ang alternative schedule.

Ayon sa Pateros LGU, ang naturang alternative work schedule ay base sa bisa ng MMDA Resolution # 24-08 series of 2024 gayundin ang Municipal Ordinance # 07-2024 series of 2024.

Paliwanag ng nasabing munisipalidad na simula noong ika-15 ng Abril, 2024, ang pasok ng mga empleyado sa Pamahalaang Bayan ng Pateros ay 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Paglilinaw ng Bayan ng Pateros na hindi kasama sa pagbabagong ito ang mga health worker sa kanilang mga health center kung saan mananatiling 8:00 ng umaga to 5:00 ng hapon ang pasok.

Gayundin ang mga kawani ng Traffic o PTEU, PBDAO, at Street sweepers na mananatiling 24-oras ang pasok.

Nanawagan din ng pang-unawa ang pamahalaang bayan dahil ito anila ay tugon ng Pateros sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gumawa ng mga pamamaraan ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila para makatulong sa pagpapaluwag ng traffic. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us