Aminado si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakabantay rin sila sa political cycle sa Estados Unidos, lalo’t nalalapit na ang halalan sa US.
Pahayag ito ng Pangulo nang tanungin kung nangangamba ba ito na magbago ang balikatan ng dalawang bansa, sa oras na si Donald Trump ang manalo sa halalan sa US.
Sa isang panayam sinabi ng Pangulo na hindi rin naman kasi maiiwasan na sa oras na nagkaroon ng pagbabago sa pamahalaan, magkakaroon rin ng pagbabago sa mga polisiya.
Gayunpaman, positibo ang Pangulo na ang mga kasuduan ng US at Pilipinas, ay mga kasunduan na labas na ang usapin ng politika.
Kaugnay naman sa Mutual Defense Treaty (MDT), una na rin aniyang siniguro ni US Defense Secretary Llyod Austin na gugulong ito, sa oras na mayroong Filipino servicemen ang masawi, mapa-maritime militia man o hindi ang may gawa ng pag-atake laban sa Pilpinas.
Samantala, sa kaparehong panayam, nilinaw ni Pangulong Marcos na walang plano ang Pilipinas na dagdagan ang bilang ng Enhande Defense and Cooperation Agreementbv (EDCA) sites sa bansa. | ulat ni Racquel Bayan