Ipinaabot ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbati ng Kamara de Representates kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nakamit na tagumpay ng trilateral meeting with Pres. Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
Ayon kay Speaker Romualdez, kahanga-hanga ang tagumpay ng makasaysayang trilateral meeting ng tatlong bansa na mahalaga sa ekonomiya, buhay ng mga Pilipino at ang usapin ng West Philippine Sea.
Ang resulta ng summit na Joint Vision Statement ng tatlong leader ay nagpapamalas suporta ng Amerika at Japan na pairalin ang international law at freedom of navigation o ang nakasaad sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) taliwas sa agresibong aksyon ng China.
Ayon kay Romualdez, maliban sa hangarin na paghusayin ang defense and maritime cooperation, inuwi rin ng pangulo ang ilang major benefits ng kanyang biyahe sa Estados Unidos. Ito ay ang:
• launching of the Luzon Economic Corridor na suporta sa connectivity ng Subic Bay, Clark, Manila, and Batangas.
• ang pangako ng U.S. at Japan na USD8 million Open Radio Access Network (RAN) field trials at Asia Open RAN Academy, upang paghusayin ang interoperable, secure, reliable, at trusted information communications technology ecosystem sa Pilipinas.
• ang CHIPS and Science Act’s International Technology Security and Innovation Fund para palawakin ang Philippine semiconductor workforce na magpapalakas ng global supply chain.
• Expanded partnership on safe and secure civil-nuclear capacity building upang isulong ang Philippines’ civil nuclear energy program.
• Expanded trilateral cooperation on the deployment of clean energy technologies, kabilang ang renewable energy projects gaya ng solar and wind, para suportahan ang energy requirements ng bansa.
At ang tinatayang 100 billion dollars na investment mula sa mga US at Japanes investors. | ulat ni Melany Reyes