Good news para sa mga bookworm dahil isang Philippjne Book Festival ang inilunsad sa World Trade Center sa Pasay City ngayong araw (Abril 25).
Tampok ang iba’t ibang book collections mula sa iba’t ibang publishing companies mula sa ating bansa ang nag-0exhibit ng kanilang mga obra maestrang libro na ang mga author ay mga Pilipino.
Mula pambata hanggang history books ay available sa Philippine Book Festival.
Mayroon ding book collections mula sa unibersidad at mula sa mga independent book authors and publishers sa bansa.
Samantala, mayroong ding mga likha ang ilan nating mga kapatid mula sa Bangsamoro, ito ay ang librong ‘Maratabat’ na gawa ni Atty. Nasser A. Marohomosalic, vice president ng Philippine Center For Islam Democracy na patungkol sa rido sa rehiyong Muslim.
Tatagal ang naturang book fair mula ngayong araw (Abril 25) hanggang Linggo (Abril 28) mula alas-otso ng umaga hangang alas-otso ng gabi. | ulat ni AJ Ignacio