Naghahanda na ang Philippine Coast Guard sa paglalagay ng Radar Tower sa bayan ng Candon sa Ilocos Sur matapos itong pumirma sa deed of usufruct sa Pamahalaang Lokal.
Ang pirmahan ng deed of usufruct ay pinangunahan ng Coat Guard District North Western Luzon at Candon City Mayor Eric Singson.
Ayon kay Coast Guard Captain Ivan Roldan, ang installation ng Radar Tower sa Coast Guard Sub Station Candon ay para palakasin ang maritime domain awareness, search and rescue operations at maritime security sa Northwestern Luzon.
Sabi ng Philippine Coast Guard, ang nangyaring kasunduan sa pagitan nila ng lokal na Pamahalaan ng Candon Ilocos Sur ay patunay lamang na nais ng mga ito na bantayan ang mga bawat coastal areas na kanilang nasasakupan. | ulat ni Michael Rogas
📷 PCG