Pilipinas, Amerika, France, sanib puwersang naglalayag ngayon sa West Philippine Sea bilang bahagi ng BALIKATAN

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala ang isang opisyal ng US Marine Corps na pinakamainam at perpektong pagkakataon ang BALIKATAN Exercises ngayong taon para isulong ang Comprehensive Achipelagic Defense Concept ng Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Lt. Gen. Michael Cederholm, Commanding General ng 1st Marine Expeditionary Force kasunod naman ng nagpapatuloy na pinakamalaki at pinakamalawak na pagsasanay militar sa Pilipinas ngayong taon.

Kahapon, sanib puwersang naglayag ang mga barko ng Pilipinas, Amerika, at France para sa kauna-unahang Multilateral Maritime Exercise sa karagatang sakop ng Palawan partikular na sa bahagi ng West Philippine Sea.

Bahagi ito ng air and sea exercise na layuning patatagin ang air at sea defense bilang paghahanda sa anumang banta sa labas ng bansa sa kasalukuyan gayundin sa hinaharap.

Una nang iniulat ng Philippine Navy ang biglang pagdami ng mga namamataang barko ng Tsina sa West Philippine Sea kasabay ng pagsisimula ng BALIKATAN kasunod na rin ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Maynila at Beijing.

Magugunitang sinabi ng AFP na wala silang nakikitang problema sa presensya ng Tsina sa mga lugar kung saan ginagawa ang pagsasanay militar basta’t susundin nito ang mga itinatakda ng International Law.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us