Hindi papayag ang Pilipinas na manaig ang China o ang batas nito, sakaling magkaroon ng joint exploration sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nang tanungin kaugnay sa oil and gas talks sa West Philippine Sea (WPS) sa pagitan ng Beijing at Maynila.
Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na kung magpahayag ang Pilipinas ng pagnanais na i-explore ang resources sa lugar, sasabihin ng China na teritoryo nila ang lugar, kaya’t dapat na batas nila ang sundin.
Bagay na hindi aniya tatanggapin ng Pilipinas.
Sa madaling salita, wala aniyang angkop o maayos na kasuduan ang dalawang bansa sa isyung ito, lalo’t ang pinakapunto na dapat munang malinawan ay kung kaninong batas ang dapat na sundin sakaling magkaroon ng joint exploration sa lugar. | ulat ni Racquel Bayan