Pilipino seafarers, pinagbawalang maglayag sa mga passenger at cruise ship na dadaan sa Red Sea at Gulf of Aden – DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagbawal na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpapadala at pagbiyahe ng mga Pilipinong seafarer sa mga passenger at cruise ship na tatahak sa Red Sea at Gulf of Aden.

Ito ay alinsunod sa Department Order No. 2 ng DMW na inilabas ngayong araw.

Ginawa ang kautusan matapos ang pag-amyenda ng International Transport Workers’ Federation (ITF) at International Bargaining Forum (IBF), kung saan kabilang na listahan ng High-Risk Areas at War-like Zones ang mga nabanggit na lugar.

Nakasaad din sa Department Order No. 2 na kailangang lumagda sa affirmation letter ang license manning agency na nagpapatunay na hindi ito maglalayag sa Red Sea o Gulf Aden.

Ikalawa ay kailangan din lumagda ang mga Pilipinong seafarer na crew member ng barko upang mapatunayan na alam nilang hindi dadaan ang kanilang barko sa nabanggit na mga lugar.

Ito ay kailangan i-upload sa DMW Online Processing System for Sea-based na nilagdaan ng kanilang manning agency.

Ayon sa DMW, layon ng naturang mga hakbang na tiyakin ang kaligtasan ang proteksyon ng mga Pilipinong seafarer. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us