Tiniyak ng Philippine National Police o PNP ang kahandaan nito na tumulong sa militar sa aspeto ng boarder control gayundin sa imbestigasyon.
Ito’y kasunod ng nangyaring engkuwentro sa pagitan ng mga tropa ng Army’s 50th Infrantry Battalion at ng New People’s Army sa bahagi ng Pilar, Abra kamakailan.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo na bukas naman sila sa anumang tulong sa militar kung kakailanganin.
Nabatid na umalalay din ang PNP sa mga inilikas na residente sa lugar partikuar na sa mga tinatawag na targeted areas ng military operations.
Nakikipag-ugnayan aniya sila sa Lokal na Pamahalaan para matiyak ang seguridad ng mga inilikas mula sa posibleng muling pag-atake ng mga rebelde. | ulat ni Jaymark Dagala