Ipinag-utos ng liderato ng Philippine National Police (PNP) na alisin ang lahat ng “visible tattoos” sa lahat ng pulis na mayroon nito.
Iyan ang tinuran ni PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo alinsunod na rin sa Memorandum Circular 2024-023 na inaprubahan noon pang March 19 ng kasalukuyang taon.
Kabilang sa mga tattoo na dapat burahin ay ang mga sumusunod:
- Extremist tattoos
- Ethnically or religiously discriminatory and offensive tattoos
- Indecent tattoos
- Racist tattoos
- Sexist tattoos
- Tattoos associated to “prohibited or unauthorized”
Para naman sa mga pulis na may hindi visible na tattoo, sinabi ni Fajardo na obligado ang mga ito na mag-execute ng affidavit at hindi na sila papayagan pang magdagdag ng tattoo sa anumang parte ng kanilang katawan kahit nakatago pa ito sa uniporme.
Paglilinaw ng PNP, matagal na nila itong ipinatutupad bilang bahagi ng disiplina at tamang hitsura ng mga pulis kaya’t nagbabala ang pamunuan nito na mahaharap sa kasong administratibo ang mga mapatutunayang lalabag.
Samantala, hindi naman sakop ng panuntunan ang mga tinatawag na aesthetic tattoos gaya ng eyebrows, eyeliner, at lip tattoo. | ulat ni Jaymark Dagala