PNP, nakipag-ugnayan na sa STI para sa modernisasyon ng kanilang hanay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaaksyon na ang pamunuan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil sa commitment nitong imodernisa ang kanilang hanay. 

Sa unang linggo pa lamang ng panunungkulan ni Marbil bilang hepe ng pambansang kapulisan ay nakipag-ugnayan na agad ito sa pamunuan ng STI College, isang kilalang technology school sa bansa.

Mismong si acting PNP Directorate for Information Communications and Technology Police Brigadier General Allan Nobleza ang nagrepresenta kay Marbil sa mismong tanggapan ng STI sa Pasay.

Dito ay inaasahang pag-uusapan ng dalawang organisasyon ang mga posibleng trainings na pwedeng ipasailalim sa mga tuhan nito. 

Matatandaang sa pag-upo ni Marbil, nangako ito ng modernisasyon sa PNP para labanan ang mga tinatawag nitong nontraditional threats o cybercrime. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us