Bilang pag talima sa pananaw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na Bagong Pilipinas ay muling nandigan ang Philippine Reclamation Authority na suportado nito ang kanyang subsidiary na Public Estates Authority Toll Way Corporation (PEATC) sa laban nito sa pribadong sektor na Cavitex Infrastructure Corporation (CIC).
Ayon kay PRA Chairman Atty. Alexander Lopez binuo ng PRA ang PEATC para pangunahan ang operasyon ng Manila-Cavite Toll Expressway Project (MCTEP).
Subalit sa ngayon ay nagkakaron ng tensyon sa pagitan ng CIC at PEATC sa kung sino ang mamahala ng MCTEP kung saan una nang nakakuha ng kontrata ang CIC dito sa pag manage hanggang sa paniningil ng toll fees.
Paliwanag ng PRA na ang kasunduan ng CIC at ng gobyerno ay magiging 60-40 ang hatian pabor sa gobyerno mula sa original na 90-10, sa oras na mabawi na ang investment ng pribadong sektor.
Naniniwala ang PRA na sa loob ng dalwamput anim na taon ay sapat na para makabawi ang CIC at panahon na para magkaroon ng sapat na kita ang pamahalaan sa nasabing expressway.
Dahil dito ay binigyang diin ng PRA ang commitment nito sa accountability at transparency dahilan kaya may karapatan umano itong magsagawa ng legal na hakbang para maseguro na maprotektahan ang interest ng taumbayan. | ulat ni Lorenz Tanjoco