Pres. Marcos Jr., galit sa mga nangyayaring Online Sexual Abuse of Exploitation sa mga bata

Facebook
Twitter
LinkedIn

Galit na galit si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga nagaganap na pang-aabusong sekswal online sa mga bata.

Ito ang ibinahagi ni Justice Assistant Mico Clavano sa gitna ng direktiba ng Chief Executive na paigtingin ang kampanya laban sa mga nasa likod ng online sexual abuse and exploitation sa mga bata.

Nababahala Ani Clavano ang Pangulo, lalo’t ang nasabing klase ng krimen ay karaniwang ang nasa likod ay sariling pamilya pa.

Ang nais aniya ng Pangulo ay maging legacy ng kanyang Administrasyon na tuluyan nang masawata ang anomang kaso ng pang-aabuso kontra mga bata.

Wala aniya sa kultura ng mga Pilipino ang ganitong uri ng mga gawain na binansagan ng Chief Executive na unFilipino-like. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us