Nagkaroon ng paggalaw sa presyo ng ilang pangunahing bilihin sa bansa partikular ng agricultural commodities sa unang bahagi ng Abril batay sa pinakahuling monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa PSA, bumaba ng tatlong piso ang average retail prices sa kada kilo ng galunggong na umabot sa P204.05 ang kada kilo noong unang bahagi ng abril mula sa P207.45 na kada kilo noong Marso.
Malaki rin ang ibinaba sa presyo ng kamatis na mula sa P80.40 ang kada kilo noong Marso ay nagkakahalaga na lang ng P71.80 sa unang phase ng Abril.
Samantala, bahagyang tumaas naman sa P51.39 ang retail price ng kada kilo ng regular-milled rice, mula sa sa P51.21 na bentahan noong Marso.
Maging ang karne ng baboy ay may tatlong piso ring pagtaas na nasa P336.42 ang kada kilo nitong Abril mula sa P333.64 noong Marso.
Maging ang mantika ay mayroon ding pagtaas na dalawang piso ang kada kilo na may average retail price na P156.78 kada litro noong Marso. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: PSA