Private lawyer at isa pang kabilang sa big-time drug pushers, naaresto ng QCPD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naaresto na ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang big time drug pushers, at nakumpiska ng P1.373 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Lungsod Quezon.

Kinilala ni QCPD-DDEU OIC Police Major Wennie Ann Cale ang mga drug personality na sina Atty. Camilo Montesa IV, 57 taong gulang, residente ng Brgy. Central Diliman, Quezon City; at Maria Victoria Balajadia, 39 taong gulang ng Brgy. Pinyahan nang nasabi ding lungsod.

Ang dalawa ay kabilang sa drug watchlist ng Directorate for Intelligence (DI) ng QCPD.

Ayon sa ulat, isang confidential informant ang nagtimbre sa pulisya kaugnay ng illegal drug activities nina Atty. Montesa at Balajadia sa Masigla St., Brgy. Central Diliman ng lungsod.

Dahil dito, agad ikinasa ang buy-bust operation ng pulisya at naaresto ang dalawa.

Nabawi sa kanila ang 202 gramo ng shabu na nagkakalahaga ng higit P1.3 million bukod pa sa iba pang drug paraphernalia. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us