Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na makakaasa ng tulong ang Quezon City Jail Mail Dormitory mula sa pamahalaang lungsod.
Pahayag ito ng alkalde nang mabatid ang mga pangangailangan pa ng jail facility at Persons Deprived of Liberty (PDLs).
Tulad sa QC Jail Female Dorm, nais ni Mayor Joy na magkaroon ng iba-ibang oportunidad tulad ng pag-aaral, trainings, at livelihood programs ang mga PDL.
Bago ito, nag-courtesy visit si BJMP Regional Director Jail Chief Superintendent Clint Russel Tangeres sa alkalde.
Sunod naman dito ang paglipat ng mga PDL sa bagong jail facility ng Quezon City sa Barangay Payatas mula sa lumang pasilidad nito.
Ang pamahalaang lungsod ang nagpatayo ng bagong pasilidad. | ulat ni Rey Ferrer