Pormal nang sinimulan ang roll-out ng Tetanus-Diphteria-Pertussis (Tdap) vaccines para sa mga vulnerable population o pinaka-apektadong populasyon sa Pasig City.
Ayon sa Pasig LGU, ang pagbibigay ng Tdap vaccines ay bahagi ng mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng sakit gaya ng Pertussis at iba pang vaccine-preventable diseases.
Ang Tdap Vaccination ay nakatakdang ipamahagi sa mga buntis na nasa 28 hanghang 36 weeks ng pagdadalang-tao.
Sila ay maaaring magtungo sa mga health center sa kanilang barangay at magdala ng ID bilang patunay na sila ay residente Pasig.
At mga bata edad 5 hanggang 10 taong gulang na nakatira sa barangay na may mga naitalang kaso ng Pertussis .
Samantala, patuloy pa rin ang house-to-house Supplemental Immunization Activity at Catch-Up Routine Immunization para sa iba pang mga bakuna na ihahatid sa mga kabataang residente ng lungsod. | ulat ni Diane Lear