Posibleng manatili ang mataas na temperatura gayundin ang heat index o alinsangan sa katawan sa bahagi ng Roxas City, Capiz.
Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng pumalo hanggang sa 44°C ang heat index sa naturang lugar ngayong Martes.
Pasok ito sa danger category kung saan maaaring mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa araw ng isang indibidwal.
Samantala, bukod sa Capiz, nasa ‘danger level’ heat index rin ang inaasahan sa Pasay, Metro Manila, Dagupan, Pangasinan, Aparri, Cagayan, Palawan, Pili, Camarines Sur, Iloilo, Catarman, Northern Samar, at Cotabato City.
Kahapon, naitala sa Pangasinan ang pinakamataas na heat index na umabot sa 45°C. | ulat ni Merry Ann Bastasa