Lubos ang pasasalamat sa pamahalaan ng mga dating rebelde na nakatanggap ng pabahay sa San Jose de Buan, Samar sa ilalim ng “Saad nga Balay” initiative o houses for former rebels.
Pinangunahan ang turnover ceremony ng nasabing proyekto nina Senador Robinhood Padilla, Samar Governor Sharee Ann Tan, San Jose de Buan Mayor Joaquin, San Jose de Buan Peacebuilder Group President Tito Labong at 8th Infantry Division (8ID) Commander MGen. Camilo Z. Ligayo.
Layunin ng inisyatibong ito na suportahan ang mga dating rebelde sa pamamagitan ng pagbibigay ng maayos na pabahay upang makapagsimulang muli.
Nasa 10 pabahay na ang naipamahagi sa mga benepisyaro ng Peacebuilder Group habang pito pa ang patuloy ang kontruksyon.
Ang proyekto na nagkakahalaga ng 4 milyong piso ay pinondohan ng provincial government of Samar at municipal government; habang nangako ang tanggapan ni Sen. Padilla na mag-aambag ng 200-libong piso na katumbas ng halaga ng isang bahay. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of 8ID