Pinasisiguro ng isang mambabatas na mahanapan ng pondo ang pagpapatupad ng Teaching Supplies Allowance oras na malagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang ganap na batas.
Ayon kay Quezon Representative Reynan Arrogancia, isa sa mga may-akda ng panukala, oras na maisabatas mula sa kasalukuyang P3,500 na tinatawag na ‘chalk allowance’ ay magiging P7,500 na ito.
Kaya naman, kung pagbabatayan ang datos ng Department of Education (DepEd) kung saan mayroong halos 970,000 na guro sa bansa ay aabot sa P7.27 billion ang kailangang pondo para sa pagpapatupad ng programa.
Mungkahi niya, hatiin ito sa dalawang tranche: ang una ay ngayong 2024 na paglalaanan ng P4.85 billion na maaari aniyang kunin sa MOOE ng DepEd o sa unprogrammed funds; at ang ikalawang tranche ay sa susunod na taon na dapat ipasok na sa 2025 National Budget sa halagang P2.42 billion.
Paalala pa ng mambabatas, na dapat na ring ikonsidera na sa ikalawang implementation ng school year ay magiging P10,000 na ang naturang allowance. | ulat ni Kathleen Forbes