Pormal na iginawad ang ranggong Lt. Col. sa Philippine Army Reserve kay Senate President Juan Miguel Zubiri ngayong araw sa Camp Aguinaldo.
Ang donning of ranks ceremony ay pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.
Sa kanyang pahayag, malugod na tinanggap ni Gen. Brawner si Lt. Col. Zubiri bilang reserve Officer ng AFP, kasabay ng pagsabi na ito ay pagpapakita ng “convergence” ng military at political leaders sa nagkakaisang layunining ipagtatanggol ang bansa.
Sa kanyang pagtanggap ng ranggo, sinabi naman ni SP Zubiri na handa siyang ipagtanggol ang interes ng bansa hindi lang sa Senado, kundi maging sa war room at sa battlefield.
Sinabi ni SP Zubiri na naniniwala siya na dapat ay handang lumaban ang sinumang nagmamahal sa bansa, sa gitna ng panlabas na bantang kinakaharap ng Pilipinas sa kasalukuyan. | ulat ni Leo Sarne