Tiniyak ni bagong PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na isusulong niya ang “smart policing” para mas mahusay na magampanan ng pulis ang kanilang trabaho sa gitna ng mga pagbabago sa lipunan dulot ng modernong teknolohiya.
Ang pahayag ay ginawa ni PGen. Marbil matapos na panumpain ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang ika-30 pinuno ng pambansang pulisya kapalit ni Gen. Benjamin Acorda Jr. Sa Camp Crame ngayong umaga.
Ayon kay Gen. Marbil, ang “smart policing” ay kanyang isusulong sa pamamagitan ng pagtiyak ng kalidad ng mga lider ng PNP, pagpapahusay sa kapabilidad ng mga pulis na itaguyod ang batas, at pagpapaangat sa tiwala ng mga mamamayan sa PNP.
Ipatutupad aniya niya ang isang “wholistic approach” sa pagpapaangat ng “productivity” ng PNP sa pamamagitan ng pagpapahusay sa “competency” ng mga pulis at “leadership by example”.
Si PGen. Marbil ay mistah ni dating PGen. Benjamin Acorda sa Philippine Military Academy Class of 1991. | ulat ni Leo Sarne