South Korea, nananatiling pangunahing source market ng tourist arrivals ng bansa — DOT

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napanatili ng mga South Koreans ang number one spot sa pagiging source market pagdating sa inbound visitors ng bansa.

Ayon sa inilabas na datos ng Department of Tourism (DOT) kung saan pumalo na sa mahigit dalawang milyon ang tourist arrivals sa bansa, 27.19 percent sa mga ito o mahigit kalahating milyon ay pawang mga taga-South Korea.

Sinundan ito ng United States na may 15.71 percent o mahigit 300,000 tourist arrivals, sinundan ng China na may 6.49 percent o katumbas ng halos 150,000 arrivals.

Sumunod na dyan ang Japan, Australia, Canada, Taiwan, UK Singapore, at Germany na bumubuo sa Top 10.

Kumpiyansa naman si Tourism Chief Christina Frasco na sa pamamagitan ng vision ng Marcos administration at sa aprubadong National Tourism Development Plan 2023-2028 ay mapapanitili nila ang mga targets sa industriya ng turismo hindi lang sa mga arrivals kundi maging sa pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us