Inudyukan ni Speaker Martin Romualdez ang mga opisyal at miyembro ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) na ipagpatuloy ang paglaban sa fake news, misinformation, at disinformation lalo na sa social media.
Ayon sa lider ng Kamara, isa itong banta sa pagtitiwala ng publiko sa mga institusyon ng pamahalaan sa gitna na rin ng kumalat na deepfake audio ng ginaya ang tinig ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tila inaatasan ang militar na umaksyon laban sa isang partikular na bansa.
Sa kaniyang mensahe sa ika-51 anibersaryo ng KBP, kinilala ng House Speaker ang hindi matatawarang ambag ng mga mamamahayag sa demokrasya ng bansa at pinagkukunan ng katotohanan.
“We recognize its indispensable role in our democracy – as a reliable source of truth and a facilitator of informed public discourse … Your role as custodians of truth is imperative in countering misinformation and upholding the public trust,” sabi ni Romualdez.
Dagdag pa nito na sa panahon ng nagbabagong teknolohiya na nagagamit sa pagpapakalat ng maling balita, mahalaga ngayon ang integridad ng mga mamamahayag.
“As you navigate these shifts – where liquid crystal displays have taken over cathode ray tubes, and digital content challenges traditional primetime – I urge you to remain steadfast…In this light, I appeal to the KBP to continue policing its ranks vigilantly. It is essential to actively weed out those who compromise on the ethics of truthful reporting and to set an example that resonates not just within our shores but across the global stage,” sabi ng House Speaker
Kasabay nito tiniyak ni Romualdez ang patuloy na suporta ng Kamara sa KBP sa pamamagitan ng mga panukalang batas para sa investment sa media industry at proteksyon ng mga manggagawa sa media.
“We are diligently working on legislative reforms to provide more flexibility in terms of investments and resources, aiming to boost the industry’s growth and international competitiveness. These reforms are crafted not to compromise the patriotic vision of our Constitution’s framers but to empower you with the modern tools and capital necessary for innovation and expansion. Additionally, we are focused on advancing legislation to protect and empower media practitioners, enabling you to perform your duties safely and without undue interference,” giit niya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes