Nakilahok ang Philippine Army sa isang sunset ceremony sa Libingan ng mga Bayani kahapon sa pagtatapos ng ika-82 Philippine Veteran’s Week.
Ang seremonya na pinangunahan ni Philippine Veterans Affairs Office Administrator USec. Reynaldo B. Mapagu ay nilahukan ng mga beterano at kanilang mga pamilya, mga opisyal ng pamahalaan, at Boy Scouts and Girl Scouts of the Philippines.
Dito’y nag-alay sila ng kandila sa “Tomb of the Unknown Soldier” para bigyang pagkilala ang kabayanihan at sakripisyo ng mga beterano.
Ang komemorasyon ng 2024 Veterans’ Week ay nakasentro sa temang “Pagpaparangal sa Kagitingan ng mga Beterano: Saligan para sa Nagkakaisang Pilipino.” | ulat ni Leo Sarne
📷 Photos by Pvt Divino S. Lozano PA/OACPA