Suporta ng DILG sa bagong Chief PNP, tiniyak

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang suporta nito sa itinalagang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, makakaasa aniya ng buong suporta si PNP Chief Police Major General Rommel Francisco Marbil mula sa ahensya.

Ito ay upang matiyak ang pagpapatuloy ng commitment ng DILG para sa mas mapayapa, mas maayos, at mas ligtas na bansa.

Una nang binati ng DILG si Police Major General Marbil sa kanyang appointment bilang bagong Chief ng PNP.

Pormal na siyang itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang ika-30 Chief ng PNP at pangungunahan ang 232,000 police force sa buong bansa. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us