Suspensyon ng F2F classes sa Lungsod ng Pasay, nagpapatuloy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bunsod ng patuloy na banta ng mas malalang nararamdamang init o Heat Index sa mga susunod na araw, nanatiling suspendido ang face-to-face classes sa Lungsod ng Pasay.

Base sa anunsyo ng Lokal na Pamahalaan ng Pasay ang suspensyon ng F2F classes  ay ngayong araw hanggang bukas araw ng Martes.

Kabilang sa nasasakupan ng naturang kautusan ang lahat ng antas, mapa-pribado man o pampublikong eskwelahan.

Ito ay alinsunod sa Executive Order No. 42 na inilabas ng Ina ng Lungsod, Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano na kung papalo sa 42 degrees Celsius o higit pa ang temperatura ay pansamantalang isususpinde ang mga face-to-face classes sa lungsod.

Matatandaang base sa inilabas na Climate Heat Index Forecast ng PAGASA-DOST, posibleng pumalo sa pinakamainit na 45°C o higit pa ang magiging init ng panahon sa NAIA Pasay.

Dahil dito, muling iminungkahi ng lokal na pamahalaan na gawin ang paraan ng pagtuturo at pagkatuto sa pamamagitan ng online, modular o anumang alternatibo na nakabatay sa kakayahan ng mga paaralan, guro, at mag-aaral.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us