Ipinagmalaki ng pamunuan ng lungsod ng Taguig ang ani nitong melon.
Nagbunga na kasi ang nasa 66 ektarya na taniman nito ng melon kung saan umabot sa halos dalawang libong metriko tonelada ang na ani o kabuuang 1,669 metric tons.
Dahil dito ay nagdiwang ang pamahalaang lungsod ng Melon Festival sa kanilang lugar sa pamamagitan ng City Agriculture Office.
Nasa 60 melon farmers ang nakisaya sa naturang selebrasyon kung saan nagkaroon ng ilang pagtatanghal gaya ng pagsasayaw, performance ng mga drummer at Filipino boodle fight.
Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig, patuloy nilang ipagdiriwang ang ‘farming culture’ habang patuloy ding pinapalakas ang suporta sa kanilang mga magsasaka. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: Taguig LGU