Trabaho ng pamahalaan sa Batangas Port Passenger Terminal, di natatapos sa inagurasyon nito – Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pa natatapos ang trabaho ng pamahalaan at mga kabalikat nito, sa pagsasakatuparan ng Batangas Port Passenger Terminal Building.

Sa inagurasyon ng proyekto ngayong hapon (April 26), sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang tunay na tagumpay sa proyektong ito ay ang pagmi-mentina at pangangalaga dito.

“Today, we are inaugurating the bigger and the better passenger terminal to fully unlock the potential of the places and the people that this port serves. In so doing, we validate its status, not as a provincial port, but as a port of national significance.” —Pangulong Marcos Jr.

Sabi ng Pangulo, isang karangalan na buksan ang pasilidad na ito para sa mga Pilipino na aniya ay magsusulong pa ng paglago ng bansa.

Mula sa dating 2,500 passenger capacity nai-akyat na ito sa 8,000.

Fully airconditioned, may mga pasilidad para sa mga nakatatanda at PWD, baggage x-ray machines, charging stations, walkthrough metal detectors, at iba pang modernisasyon.

Sabi ng Pangulo, hindi lang mas komportableng pagbiyahe ang maibibigay ng terminal sa bansa bagkus, makakahikayat pa ito ng mas maraming manlalakbay sa loob at labas ng Luzon.

“Today’s activity not only–is a reaffirmation of the importance of this Port of Batangas, but as a vote of confidence in the promising and positive future of the entire CALABARZON, MIMAROPA, and Bicol regions. Hindi lang ito halimbawa ng Build Better More na programa ng inyong pamahalaan sa inyong rehiyon. Ito ay patunay ng pagmamalasakit natin sa mga gawaing imprastraktura para sa buong bansa.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us