Pinangunahan ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez ang pamimigay ng ayuda sa ilang residente ng lungsod.
Ayon kay Olivarez, layon nito na matulungan ang kanyang mga nasasakupan at makapigbigay ng kanilang pangkabuhayan.
Ginawa ang pamimigay ng ayuda sa Parañaque City Sports Complex kung saan 208 na benepisyaryo ang nabiyayaan ng cash assistance na maaring magamit bilang dagdag puhunan sa kani-kanilang mga negosyo.
Paliwanag ni Olivarez, ang naturang proyekto ay naisakatuparan sa tulong ng Parañaque Cooperative Development Office sa ilalim ni Josephine Salomon at Parañaque Livelihood Resource Management Office sa ilalim ni Marlette Yamsuan.
Kasabay nito ay tiniyak ng alkalde na patuloy ang kanilang pag-agapay at pagtulong sa kanilang mga residente. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: Parañaque LGU