Walang naging epekto sa daloy ng trapiko sa National Capital Region (NCR) ang ikinasang tigil-pasada ng mga grupong MANIBELA at PISTON ngayong araw na ito.
Iyan ang ini-ulat ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman, Atty. Don Artes kasunod ng ipinatawag na pulong-balitaan kaninang umaga.
Ayon kay Artes, batay sa kanilang pakikipag-usap sa mga kinatawan ng dalawang grupo, pinili muna ng ilan sa kanilang mga miyembro na bumiyahe muna bago sumama sa kanilang protesta.
Gayunman, may naka-standby silang mga sasakyan na para magbigay ng libreng sakay katuwang ang iba pang ahensya ng Pamahalaan upang hindi mabalam ang biyahe ng mga maaapektuhang pasahero. | ulat ni Jaymark Dagala