Unang batch ng graduates ng Bangsamoro Police Basic Recruit Course, malaki ang papel na gagampanan sa pag-unlad pa ng BARMM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Gagampan ng malaking papel sa bagong yugto ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang unang batch ng mga nagsipagtapos ng  Alpha-Bravo Bangsamorong Kapulisan, Sandigan ng Lipunang Pilipino.

“Kayo ang tutulong sa pagsusulat ng isang bagong yugto para sa Bangsamoro, tungo sa mas tahimik at matiwasay na kinabukasan. Kaya ang inyong pagsasanay at pagtatapos ngayong araw ay higit pa sa pagtupad natin sa mga obligasyong na nakasaad sa Bangsamoro Organic Law.” -Pangulong Marcos Jr.

Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  magiging kinatawan aniya ng kaayusan at pagbabago ang 100 graduates nito, na maipamamana nila sa mga susunod na henerasyon.

“Tunay na malaking karangalan ang nakamit ninyo, ngunit kaakibat nito ang mabigat na pasanin na responsibilidad na nangangailangan ng matinding pagsisikap. Ang inyong misyon ay higit pa sa paglilingkod at pangangalaga sa mga kababayan natin.” -Pangulong Marcos Jr.

Sabi ng Pangulo, batid niyang mahirap ang daan na tinahak at tatahakin ng mga ito, ngunit magsilbi sanang inspirasyon ang kanilang mga pinagdaanan at mga ipinaglalaban, upang mapagtagumpayan ang kanilang layunin.

“Napakalaki ng nakasalalay sa inyong bagong katungkulan dahil nasa kamay ninyo ang pagkamit ng ating patuloy na tagumpay. Simula ngayon, kahit saan man kayo italaga, kayo ay kinatawan ng kaayusan at pagbabago na layon nating ipamana sa ating mga anak.” -Pangulong Marcos

Paliwanag ng Pangulo, kaya naman pumasok sa pagsasanay ang mga ito ay dahil nais nilang maka-ambag sa pagsulong pa ng Bangsamoro Region.

“Anuman ang inyong pinag-hirapan at natamasa, ang inyong integridad pa rin ang susi sa inyong tagumpay. Sikapin ninyong tuparin ang manatiling pundasyon ng inyong trabaho at serbisyo mula ngayon… Tapang at determinasyon ang siyang nagtulak sa inyo upang harapin ang linggo-linggong pagsasanay. Ngayon na magsisimula na, na magsuot ng uniporme at magsilbi sa bayan, tiyak na dodoble ang pagsubok sa mga katangian ninyo.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us