Nakahanda na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command (WESCOM) sa pagsisimula ng Philippine-US Balikatan Exercise sa Lunes.
Ang WESCOM ang magiging sentro ng dalawang major Combined Joint All Domain Operations events na kinabibilangan ng Training on Maritime Key Terrain Security Operations at High Mobility Artillery Rocket System Rapid Insertion Operations.
Magkakaroon din ng Multilateral Maritime Exercise ang mga barko ng mga bansang kalahok na gagawin sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas na saklaw ng area of operations ng WESCOM.
Bukod sa mga pagsasanay militar, mayroon ding kasamang Humanitarian Civic Assistance projects ang Balikatan, tulad ng patuloy na pagtatayo ng health care center sa Barangay Punta Baja, Rizal, at iba pang civil-military engagements sa lugar.
Ayon kay WESCOM Chief, Vice Admiral Alberto Carlos, itatampok sa pagsasanay ang kooperasyon, kolaborasyon, at pagpapalakas ng interoperability sa pagitan ng mga pwersa ng dalawang bansa. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of WESCOM