‘Young Guns’ ng Kamara, kinondena ang pagpapakalat ng deepfake ni PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing kinondena ng mga mambabatas na miyembro ng Young Guns sa Kamara ang kumalat na audio deepfake ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa naturang pekeng audio, ginaya ang boses ng Pangulo na tila inuutusan ang militar na labanan ang isang partikular na bansa.

Ayon kay Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong, isang mapanlinlang na manipulasyon ang ginawa sa naturang deepfake na makakasira sa demokrasya.

“This audio deepfake is not just a fabrication; it’s a dangerous attempt to manipulate public perception and incite unwarranted actions. We cannot allow such malicious tactics to undermine the trust in our institutions,” aniya.

Sinegundahan ito ni La Union Rep. Paolo Ortega, at sinabi na malaking banta ito sa pinaka diwa ng umiiral na demokrasya sa bansa.

“The spread of manipulated content threatens the very fabric of our democracy. We must stand united in condemning these deceitful acts and demand accountability from those who seek to deceive the Filipino people,” wika ni Ortega.

Dapat naman agad aksyunan ang pagpigil sa paglipana ng digital manipulation ayon kay Zambales Rep. Jay Khonghun, at protektahan ang katotohanan.

“We stand at a pivotal moment in our fight against digital manipulation. We must act decisively to safeguard the sanctity of truth and protect our democracy from those who seek to undermine it.” giit ni Khonghun.

Kasalukuyan nang inaaksyunan ng Presidential Communications Office at Department of Justice ang insidente para matunton kung saan ito nagmula. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us