₱5,000 supplies allowance at skills training para sa mga Day Care workers, ipinapanukala

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinutulak ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan na bigyang suporta ang mga Day Care worker sa government-sponsored centers sa pamamagitan ng allowance at continuing education.

Sa kaniyang House Bill 10224, pagkakalooban ng ₱5,000 na teaching supplies allowance kada school year ang mga Day Care workers.

Bibigyang pagkakataon din sila na mahasa pa ang kasanayan sa pamamagitan ng continuing education at skills training.

Sa kabila kasi aniya ng malaking tulong nila bilang ikalawang magulang at paglinang sa talento ng mga bata sa kanilang formative years ay nananatiling mababa ang pasahod sa kanila.

Sa kasalukuyan ang Barangay Day Care workers ay nakatatanggap lang ng ₱500 kada buwan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang nagbibigay ng ₱1,000 na honoraria ang local government units (LGUs).

Isa pa sa mga natuklasan ng mambabatas sa pakikipagpulong sa mga Day Care worker ay ang kanilang gastos para sa learning materials na mula sa kanilang sariling bulsa.

“To be effective teachers, Day Care workers already coping with low wages often shoulder the expenses for the teaching aids they use and hand out to kids under their care. Our measure aims to address this shortcoming by providing each day care worker in government-sponsored centers with a ₱5,000 teaching supplies allowance per school year,” ani Yamsuan.

Maliban dito siyam sa 10 Day Care workers ay walang permanenteng posisyon at nagsisilbi lamang bilang volunteers.

Kasama rin sa panukala ang pagtatatag ng isang unified at regularly updated database ng lahat ng government-sponsored CDCs at DCCs at kanilang mga personnel.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us