DSWD, tiniyak na paiigtingin ang laban sa child labor

Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, nangako ang Department of Social Welfare and Development ng mas pinaigting na programa para sa pagprotekta sa kapakanan ng nasa labor force, partikular ang mga batang manggagawa. Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, habang kinikilala ng pagdiriwang ang makabuluhang kontribusyon ng mga manggagawa, ang pagdiriwang ng Araw ng… Continue reading DSWD, tiniyak na paiigtingin ang laban sa child labor

Mambabatas, nanawagan sa mga kapwa kongresista na repasuhin na ang IRR ng Vape Law upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na EVALI

Binigyan diin ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes ang kagyat na pangangailangan na muling bisitahin ang mga umiiral na patakaran sa vaping upang mabawasan ang posibleng pagsisimula ng e-cigarette o Vape-Associated Lung Injury (EVALI) sa mga kabataan. Hinimok ni Reyes ang mga kapwa mambabatas na muling pag-aralan ang Republic Act 11900, o ang Vaporized Nicotine… Continue reading Mambabatas, nanawagan sa mga kapwa kongresista na repasuhin na ang IRR ng Vape Law upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na EVALI

Mga tanggapan sa QC, bukas na mula 7AM hanggang 5PM

Ipatutupad na rin simula bukas, May 2 ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon ang modified work schedule sa mga tanggapan sa Quezon City Hall. Sa ilalim nito, magiging bukas ang mga tanggapan mula 7:00 AM hanggang 5:00 PM. Alinsunod na rin ito sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Resolution No. 24-08, s. 2024, kung saan may… Continue reading Mga tanggapan sa QC, bukas na mula 7AM hanggang 5PM

First quarter economic growth ng bansa, tinatayang nasa 5.8% – 6.3% — Finance chief

Tinatayang papalo ang paglago ng ekonomiya sa unang bahagi ng taon sa 5.8% hanggang 6.3%. Naniniwala si Finance Secretary Ralph Recto na kaya ang 5.8% na paglago at maituturing na pinakamataas na ito sa rehiyong Asya. Maaalalang noong 2023, nasa 5.5% ang paglago habang target naman ng economic managers ang 6-7% na growth sa gross… Continue reading First quarter economic growth ng bansa, tinatayang nasa 5.8% – 6.3% — Finance chief

4 na kasapi ng MILF na sangkot sa gunrunning activity, nasakote sa ikinasang operasyon ng CIDG

Patay ang isa sa limang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos mauwi sa engkuwentro ang ikinasang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Maguindanao del Sur. Ito’y bahagi ng Operation “Paglalansag Omega” ng pulisya laban sa naturang grupo na sinasabing sangkot sa iligal na pagpupuslit ng mga armas o gunrunning activities.… Continue reading 4 na kasapi ng MILF na sangkot sa gunrunning activity, nasakote sa ikinasang operasyon ng CIDG

Speaker Romualdez, pinapurihan ang mga manggagawang Pilipino; patuloy na pagsulong ng pamahalaan sa kanilang kapakanan, tiniyak

House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez delivers his closing message at the plenary of the House of Representatives before Congress adjourned for its second-regular-session recess Wednesday night.Romualdez reports 100-percent approval of LEDAC priority bills three months ahead of time.photo by Ver Noveno

Muling siniguro ni Speaker Martin Romualdez ang patuloy na hangarin ng pamahalaan na mapagbuti ang kalagayan ng milyong manggagawang Pilipino, kabilang ang mga nagta-trabaho sa ibayong dagat. Sa kaniyang mensahe bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, sinabi ni Romualdez na mahalagang makabuo ng mga lehislasyon para masiguro ang patas na labor practices, maisulong… Continue reading Speaker Romualdez, pinapurihan ang mga manggagawang Pilipino; patuloy na pagsulong ng pamahalaan sa kanilang kapakanan, tiniyak

Suspensyon sa operasyon ng WESM tuwing may deklarasyon ng red alert sa kuryente, ipatutupad

Magkakaroon ng suspensyon sa operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa tuwing iiral ang red alert status sa sitwasyon sa kuryente. Bahagi ito ng nabanggit ng Pangulo sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ngayong araw na ito ng Labor Day. Sinabi ng Pangulo na layunin ng hakbang na mapigilan ang pagtaas ng presyo ng kuryente… Continue reading Suspensyon sa operasyon ng WESM tuwing may deklarasyon ng red alert sa kuryente, ipatutupad

Daan-daang trabaho, alok sa ikinasang job fair sa Pasig City

Dinagsa ng mga jobseeker ang ikinasang Mega Job Fair ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ngayong Araw ng Paggawa o Labor Day. Pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagbubukas ng naturang job fair sa Robinson’s Metro East Grand Mall kasama ang mga opisyal ng Sangguniang Panglungsod gayundin ng Public Employment Service Office – PaMaMariSan.… Continue reading Daan-daang trabaho, alok sa ikinasang job fair sa Pasig City

Luzon Grid, muling isasailalim sa yellow alert status

Muling ilalagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert ang Luzon Grid dahil sa pagnipis ng reserba sa kuryente. Ipatutupad ang yellow alert status simula mamayang alas-8 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi. Ayon sa NGCP, nawalan ng 1,409 megawatts ang grid dahil nasa 20 planta ang naka-forced outage habang dalawa… Continue reading Luzon Grid, muling isasailalim sa yellow alert status

Gas flux na ibinubuga ng Bulkang Kanlaon, bahagyang tumaas — PHIVOLCS

Bahagyang tumaas ang ibinubugang sulfur dioxide (S02) emission ng Bulkang Kanlaon na umabot sa 2,707 tonelada. Ito ang naobserbahan kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Naglalabas ang Bulkang Kanlaon ng average na 1,300 tonelada bawat araw ngayong taon, habang ang mataas na average na 3,098 tonelada ay naitala noong January 19. Sa… Continue reading Gas flux na ibinubuga ng Bulkang Kanlaon, bahagyang tumaas — PHIVOLCS