Mambabatas, iminungkahi na bawasan ang mga wage board para sa mas mabilis na pagtugon sa wage gaps

Nais ng isang mambabatas na pasimplehin ang national minimum wage structure. Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, mula sa 17 wage boards kada rehiyon ay gawin na lamang itong anim na cluster. Sa ganitong paraan aniya ay mas madali ang pamamahala, pag-regulate at pagpapatupad ng wage increases at liliit ang wage gaps at poverty gaps… Continue reading Mambabatas, iminungkahi na bawasan ang mga wage board para sa mas mabilis na pagtugon sa wage gaps

Philippine Army, may recruitment booth din sa Mega Job Fair ng QC LGU

May oportunidad din ang mga jobseekers na makapaglingkod sa Philippine Army na nakiisa rin sa Mega Job Fair ng Quezon City LGU ngayong araw. Mayroon ding recruitment booth ang Philippine Army dito kung saan nakapaskil ang ilang posisyong pwedeng aplayan ng mga jobseeker. Kabilang dito ang Army Enlisted Personnel at Human Resource Personnel. Ayon kay… Continue reading Philippine Army, may recruitment booth din sa Mega Job Fair ng QC LGU

PBBM, nanawagan sa regional wage board na repasuhin ang minimum wage rate sa kani-kanilang lugar

Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Regional Tripartite Wage and Productivity Board na magsagawa ng rebyu sa tinatanggap na minimum wage ng mga manggagawa sa kani-kanilang mga lugar. Sa naging talumpati ng Punong Ehekutibo sa pagdiriwang ngayong Araw ng Paggawa, inihayag nitong dapat gawin ang hakbang bilang konsiderasyon na din sa epekto ng… Continue reading PBBM, nanawagan sa regional wage board na repasuhin ang minimum wage rate sa kani-kanilang lugar

Dagdag na mga Bahay Pag-asa sa buong bansa, itinutulak sa Kamara

Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara na naglalayong magtatag ng pasilidad sa kada probinsya sa buong bansa para sa mga minor offender o Children in Conflict with the Law. Sa ilalim ng House Bill 10276 na inihain ni Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, kasama sina ACT-CIS Party-list na sina Representatives Edvic Yap at Jocelyn… Continue reading Dagdag na mga Bahay Pag-asa sa buong bansa, itinutulak sa Kamara

Ilang aplikante, hired on the spot sa Labor Day Job Fair sa Caloocan

Sulit ang maagang pila sa SM Grand Central ng ilang aplikante na agad hired on the spot sa ikinasang Mega Job Fair ng Caloocan City government kasabay ng Labor Day. As of 11am ay umabot na sa 21 ang HOTS at tuloy-tuloy ang nakakakuha agad ng trabaho. Kasama rito si Erica na nakuhang cashier sa… Continue reading Ilang aplikante, hired on the spot sa Labor Day Job Fair sa Caloocan

Hunger rate sa unang 3 buwan ng 2024, umabot sa 12.6% — SWS

Bahagyang nadagdagan ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS). Batay sa March SWS survey, lumalabas na nasa 12.6% na mga pamilyang Pilipino ang nakararanas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan. Mas mataas ito ng 1.6 puntos mula… Continue reading Hunger rate sa unang 3 buwan ng 2024, umabot sa 12.6% — SWS

Jobseekers, dagsa na sa Labor Day Job Fair sa Quezon City Hall

Maagang dinagsa ng jobseekers ang pagbubukas ng Mega Job Fair ng Quezon City government bilang bahagi ng selebrasyon ng Labor Day ngayong araw. Sa City Hall Risen Garden, mahaba agad ang pila ng mga aplikanteng nagbabakasakaling makasungkit ng trabaho dito sa Pilipinas at abroad. Kabilang dito ang aplikanteng si Eric na nagpaprint ng 10 resume… Continue reading Jobseekers, dagsa na sa Labor Day Job Fair sa Quezon City Hall

PDEA, nakakumpiska na ng higit sa ₱34-B halaga ng iligal na droga

Umabot na sa ₱34.10-billion ang kabuuang halaga ng mga iligal na drogang nakum­piska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ayon sa PDEA, nagmula ito sa higit 64,000 anti-drug operation nito mula July 1, 2022 hanggang katapusan ng Marso. Nangunguna rito ang nasabat na shabu na umabot sa higit 4,000 kilograms, na sinundan ng cocaine (74.56kgs),… Continue reading PDEA, nakakumpiska na ng higit sa ₱34-B halaga ng iligal na droga

Manila solon, pinaiimbestigahan ang Bureau of Immigration sa pagpapapasok ng Chinese students sa bansa

Nais ni Manila 6th District Representative Bienvenido Abante Jr. na magkasa ng pagsisiyasat sa Bureau of Immigration sa kung paano nakapasok ang libong Chinese nationals na kasalukuyang nag-aaral sa Cagayan Valley Region, kung saan may tatlong EDCA sites. Ipinunto ni Abante sa kaniyang privilege speech na kaniyang ikinabahala ang napakalaking bilang ng Chinese nationals na… Continue reading Manila solon, pinaiimbestigahan ang Bureau of Immigration sa pagpapapasok ng Chinese students sa bansa

Iba’t ibang samahan ng mga doktor, ospital sa bansa, mag-iimbestiga na rin sa sinasabing pakikipagsabwatan ng ilang doktor sa pharma company sa pagrereseta ng mga gamot

Magkakasa na rin ng kani-kanilang imbestigasyon ang mga Committee on Ethics ng iba’t ibang grupo ng mga doktor at ospital kabilang ang Philippine Medical Association, Private Hospitals Association of the Philippines, at Philippine College of Hospital Administrator kaugnay ng isyu ng unethical na pagrereseta ng mga doktor. Ibinahagi ito ni Dr. Bu Castro ng Philippine… Continue reading Iba’t ibang samahan ng mga doktor, ospital sa bansa, mag-iimbestiga na rin sa sinasabing pakikipagsabwatan ng ilang doktor sa pharma company sa pagrereseta ng mga gamot