OWWA, pinag-iingat ang publiko kontra lending scam

Pinag-iingat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang publiko laban sa mga account na gumagamit ng opisyal na larawan ng kanilang ahensya para makahikayat na kumagat sa mga lending scam. Sa social media post ng OWWA, ilang screenshot ang ibinahagi ito ng isang Facebook account na may ngalang Rochelle May Loan na gumagamit ng logo… Continue reading OWWA, pinag-iingat ang publiko kontra lending scam

Quezon City Jail, nagsagawa ng Outreach Program sa Cardona Rizal

Dinayo ng mga tauhan ng New Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD) ang Talim Island sa Cardona Rizal para sa outreach program. Nais ni NQCJMD Jail Warden JSupt Warren Geronimo na magkaroon ng magandang ugnayan sa pagitan ng bilangguan at ng komunidad. Inorganisa ang outreach program at namahagi ng food packs sa may 100 pamilyang… Continue reading Quezon City Jail, nagsagawa ng Outreach Program sa Cardona Rizal

CAAP namahagi ng “malasakit kits” sa mga nanay na pasahero bilang bahagi ng pagdiriwang ng Mother’s Day ngayong araw

Bilang pagpupugay sa Araw ng mga Ina ngayong araw, ika-12 ng Mayo, inilunsad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang isang inisyatiba sa ilang paliparan nito sa bansa. Tinanggap ng mga inang pasaherong manlalakbay mula sa mga paliparan sa Tuguegarao, Romblon, Laguindingan, Ozamiz, Bicol, San Jose, Naga, Masbate, at Virac ang binibigyan ng… Continue reading CAAP namahagi ng “malasakit kits” sa mga nanay na pasahero bilang bahagi ng pagdiriwang ng Mother’s Day ngayong araw

Joint Memorandum Circular ng DepEd at TESDA welcome para sa PBEd

Welcome para sa advocacy group na Philippine Business Education (PBEd) ang inilabas na joint memorandum circular na nilagdaan ng Department of Education (DepEd) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa pagtitiyak sa kalidad ng sertipikasyon ng mga senior high school (SHS) na mag-aaral na kumukuha ng technical-vocational livelihood (TVL) track. Ayon kay… Continue reading Joint Memorandum Circular ng DepEd at TESDA welcome para sa PBEd

LTO, hinimok ang publiko na isumbong sa “Aksyon on the Spot” hotline ang mga motoristang gumagamit ng wang-wang

Hinimok ng Land Transportation Office (LTO) ang publiko na isuplong ang mga motorista na patuloy pang gumagamit ng wang-wang. Ang apela ng LTO ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itigil na ang paggamit ng wang-wang at blinker ng mga hindi awtorisadong sasakyan. Maaari umanong itawag sa LTO Aksyon On the… Continue reading LTO, hinimok ang publiko na isumbong sa “Aksyon on the Spot” hotline ang mga motoristang gumagamit ng wang-wang

CCC, kinilala ang papel ng kooperatiba sa sustainable development at climate resilence

Kinilala ng Climate Change Commission sa pangunguna ni CCC Vice Chairperson and Executive Director Robert E.A. Borje ang mahalagang papel ng mga kooperatiba sa pagtulak ng sustainable development at epektibong climate action para sa Pilipinas. Sa kanyang talumpati sa ginanap na 47th General Assembly and 22nd Leader’s Congress of the National Confederation of Cooperatives (NATCCO),… Continue reading CCC, kinilala ang papel ng kooperatiba sa sustainable development at climate resilence

Car-free Sunday sinimulan nang isagawa ng Manila LGU sa bahagi ng Roxas Boulevard

Sinimulan na ngayong araw ng pamahalaang lokal ng Maynila ang dry run para sa car-free Sunday sa bahagi ng Roxas Boulevard. Kanina, kapwa ininspeksyon nina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto ang ruta ng Car-free Sunday sa Roxas Blvd. mula Padre Burgos Avenue hanggang Quirino Avenue. Ito ay sang-ayon sa Ordinance… Continue reading Car-free Sunday sinimulan nang isagawa ng Manila LGU sa bahagi ng Roxas Boulevard

Panahon ng tag-ulan, pinaghahandaan na ng QCDRRMO

Pinaghahandaan na ng Quezon City government ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan. Ngayon pa lang, abala na ang mga tauhan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) sa pag-repaint ng mga flood markers sa lungsod. Ang flood markers ay nagsisilbing early warning upang alertuhan ang publiko sa antas ng tubig baha sa… Continue reading Panahon ng tag-ulan, pinaghahandaan na ng QCDRRMO

Lanuza Avenue sa Pasig City, isasailalim sa rehabilitasyon -Pasig City LGU

Sisimulan na sa Mayo 13 ang rehabilitasyon ng Lanuza Avenue sa Barangay Ugong Pasig City. Sa abiso ng Pasig City Public Information Office, gagawin ang proyekto tuwing alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga kinabukasan. Gagawin ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH) araw-araw at inaasahang matatapos sa Hunyo 30, 2024. Inaabisuhan ng… Continue reading Lanuza Avenue sa Pasig City, isasailalim sa rehabilitasyon -Pasig City LGU

Blacklisted Indian national naharang ng Immigration sa NAIA

Hindi na tuluyang nakapasok pa ng bansa ang isang lalaking Indian national matapos siyang maharang ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sinasabing kasama ang pangalan ng lalaking Indiano na kinilala na si Kulwinder Singh sa listahan ng BI ng mga undesirable foreigner at sinasabing… Continue reading Blacklisted Indian national naharang ng Immigration sa NAIA