Liderato ng Senado, dapat nang mamamagitan sa ginagawang imbestigasyon tungkol sa PDEA leaks

Dapat ay umaksyon na ang liderato ng Senado at ipahinto ang ginagwang imbestigasyon ng Senate Comittee on Public Order and Dangerous Drugs ukol sa “PDEA leaks.” Ayon kay Assistant Majority Leader Jil Bongalon, integridad ng institusyon ang nakasalalay sa patuloy na pagdinig ng komite kahit pa wala namang matibay na ebidensya ang naipresenta. Sabi pa… Continue reading Liderato ng Senado, dapat nang mamamagitan sa ginagawang imbestigasyon tungkol sa PDEA leaks

Israel at Pilipinas, nagkasundo na palakasin ang ilang bilateral cooperation upang isulong ang pag-unlad ng dalawang bansa

Nagpahayag ng interes ang bansang Israel na palakasin ang partnership sa innovation and technology ng Pilipinas. Sa ginawang pagbisita ni Israel Ambasador to the Philippines Ilan Fluss kay Finance Secretary Ralph Recto kamakailan, tinalakay ng dalawang opisyal ang mga areas of cooperation ng Pilipinas at Israel. Kabilang sa mga napag-usapan ang kooperasyon sa digitalization, particular… Continue reading Israel at Pilipinas, nagkasundo na palakasin ang ilang bilateral cooperation upang isulong ang pag-unlad ng dalawang bansa

MMDA Motorcycle Riding Academy, gagawing accredited Practical Driving Examination Center para sa mga kukuha ng lisensya sa pagmo-motorsiklo

Pormal nang pinirmahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Office (LTO) ang isang kasunduan upang gawing accredited na Practical Driving Examination Center (PDEC) ang MMDA Motorcycle Riding Academy. Sa ilalim ng kasunduan, ang mga aplikante o kukuha ng lisensya sa pagmamaneho ng motorsiklo ay kinakailangang makapasa sa mga pagsusulit na gagawin sa… Continue reading MMDA Motorcycle Riding Academy, gagawing accredited Practical Driving Examination Center para sa mga kukuha ng lisensya sa pagmo-motorsiklo

House Speaker, nakatakdang pulungin ang DPWH, DENR, DILG at MMDA ukol sa problema ng pagbaha sa kamaynilaan

Isang pulong ang ipapatawag ni House Speaker Martin Romualdez ngayong Martes bilang paghahadna at pagtugon sa pagbaha sa Metro Manila at karatig lugar. Hiniling ng lider ng Kamara na makausap ang mga kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of the Interior and Local Government… Continue reading House Speaker, nakatakdang pulungin ang DPWH, DENR, DILG at MMDA ukol sa problema ng pagbaha sa kamaynilaan

Davao del Norte Rep. Alvarez, wala pa ring tugon sa reklamo sa kaniya sa Ethics Committee

Wala pa ring tugon hanggang ngayon si dating House Speaker at Davao de Norte Rep. Pantaleon Alvarez kaugnay sa reklamong inihain sa kaniya sa House Committee on Ethics. Ito ang kinumpirma ni Ako Bicol party-list Rep. Jil Bongalon, vice- chair ng komite sa isang pulong balitaan. Aniya, sa Huwebes, May 16, magtatapos ang sampung araw… Continue reading Davao del Norte Rep. Alvarez, wala pa ring tugon sa reklamo sa kaniya sa Ethics Committee

DSWD chief, binigyang halaga ang community involvement sa anti-hunger program procurement

Inihayag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang kahalagahan ng community participation para sa procurement process system ng ahensya kaugnay ng anti-hunger program nito. Sa ginanap na adoption of Negotiated Procurement-Community Participation (NP-CP) workshop sa Zamboanga City, sinabi ng kalihim na mahalaga ang partisipasyon ng community-based organization sa procurement process. Batay sa nakasaad sa Memorandum Circular… Continue reading DSWD chief, binigyang halaga ang community involvement sa anti-hunger program procurement

Heat index na 50°C, naitala ngayong araw sa Dagupan City Pangasinan – PAGASA

Naitala ngayong araw ang pinakamainit na panahon sa Dagupan City sa Pangasinan at Aparri sa Cagayan. Ayon sa highest heat index na inilabas ng PAGASA ngayong hapon, naitala ang 50°C na heat index sa Dagupan City at 49°C naman sa Aparri. Samantala, pumalo din sa 45°C ang naitalang init ng panahon sa Pasay City at… Continue reading Heat index na 50°C, naitala ngayong araw sa Dagupan City Pangasinan – PAGASA

Posibilidad na bumalik ang Pilipinas sa ICC, pag-aaralan ng Senate Committee on Rules

Pag-aaralan ng Senate Committee on Rules ang posibilidad na pagbabalik ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC). Ayon kay Senate Majority leader at Committee on Rules chairman Senador Joel Villanueva, pag-aaralan nila ang usapin at kokonsultahin ang mga kasamahan niya sa mataas na kapulungan maging ng mga eksperto tungkol dito. Sinabi ni Villanueva na may… Continue reading Posibilidad na bumalik ang Pilipinas sa ICC, pag-aaralan ng Senate Committee on Rules

BIR, nangako na ipagpapatuloy ang laban kontra illicit vape at cigarettes

Inatasan na ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang lahat ng BIR officials na ipagpatuloy ang paglaban sa illicit vape at cigarette traders. Ito man ay ibinebenta online o sa pamamagitan ng mga brick-and-mortar store. Ginawa ang kautusan, matapos ang pulong sa Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector Group sa Malacañang noong… Continue reading BIR, nangako na ipagpapatuloy ang laban kontra illicit vape at cigarettes

Bureau of Immigration at media, sanib pwersa laban sa human trafficking

Nakipagtulungan ang Bureau of Immigration (BI) sa airport press club para labanan ang human trafficking sa bansa. Dahil dito ay pumirma si BI Commissioner Norman Tansingco ng Memorandum of Understanding (MOU) kasama si APC President Ariel Fernandez. Kinikilala ng dalawa ang malalang sitwasyon ng human trafficking bilang isang karumal-dumal na krimen, at binigyang-diin ang mahalagang… Continue reading Bureau of Immigration at media, sanib pwersa laban sa human trafficking