PCG, magdadagdag ng barko para alalayan ang ‘Atin Ito’ civilian mission convoy

Inihahanda na ngayon ng Philippine Coast Guard ang dalawang karadagang barko na ide-deploy sa West Philippine Sea para alalayan ang naglalayag ngayong civilian-initiated mission na ‘Atin Ito’ coalition patungong Bajo de Masinloc. Sa pulong balitaan ng PIA, sinabi ni PCG Spokesperson on West Philippines Sea Commodore Jay Tarriela na mayroon na ngayong 44 meter vessel… Continue reading PCG, magdadagdag ng barko para alalayan ang ‘Atin Ito’ civilian mission convoy

Ika-5 balasahan sa mga matataas na opisyal ng PNP, inilarga

Anim na matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang isinailalim sa ika-5 balasahan sa kanilang hanay, mahigit isang buwan matapos maupo sa puwesto si PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil. Batay sa inilabas na general orders epektibo kahapon, Mayo 14, ililipat sa Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) si PBGen. Kirby John… Continue reading Ika-5 balasahan sa mga matataas na opisyal ng PNP, inilarga

₱39 kada kilo ng bigas, mabibili na sa KADIWA ng Pangulo sa San Juan City ngayong araw

Patok ngayon sa mga mamimili ang ₱39 kada kilo ng bigas, mabibili na sa KADIWA ng Pangulo sa San Juan City ngayong araw. Ito’y bilang pagtalima na rin sa hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ihatid sa publiko ang murang bigas sa gitna na rin ng epektong dulot ng El Niño sa sektor… Continue reading ₱39 kada kilo ng bigas, mabibili na sa KADIWA ng Pangulo sa San Juan City ngayong araw

Suporta ng Phil. Army sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept, tinalkay Sa Command Conference sa Malacanang

Iprinisinta ni Philippine Army Chief Lt. General Roy Galido sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga hakbang ng Hukbong Katihan para suportahan ang Comprehensive Archipelagic Defense Concept. Ito’y sa unang Philippine Army Command Conference na pinangunahan ng Pangulo sa Malacanang kahapon, kasama sina Department of National Defense Sec. Gilberto C. Teodoro Jr., Executive Sec. Lucas… Continue reading Suporta ng Phil. Army sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept, tinalkay Sa Command Conference sa Malacanang

Publiko, pinayuhan ng MERALCO na maging masinop sa pagkonsumo ng kuryente kasunod ng ipinatupad nilang taas-singil ngayong buwan

Muling hinimok ng Manila Electric Company (MERALCO) ang mga kustomer nito na magtipid sa paggamit ng kuryente. Ito’y matapos i-anunsyo ng power distributor ang ₱0.46 centavos kada kilowatt hour na dagdag-singil sa kuryente ngayong buwan. Ayon sa MERALCO, dapat mabantayan ng mga kustomer ang kanilang konsumo lalo’t umiiral pa rin ang panahon ng tag-init. Kasunod… Continue reading Publiko, pinayuhan ng MERALCO na maging masinop sa pagkonsumo ng kuryente kasunod ng ipinatupad nilang taas-singil ngayong buwan

NSC, nanawagan sa mga mambabatas na suportahan ang modernisasyon ng militar

Nanawagan ang National Security Council (NSC) sa Kongresso at sa Senado na suportahan ang mga programa na magpapabilis sa modernisasyon ng militar. Sa isang kalatas, sinabi ni National Security Adviser Sec. Eduardo Año na inaasahan niya na maglalaan ang lehislatura ng kinakailangan pondo para sa Horizon III ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization… Continue reading NSC, nanawagan sa mga mambabatas na suportahan ang modernisasyon ng militar

La Niña, inaasahang iiral sa ikatlong quarter ng taon – PAGASA

Posibleng umiral sa mga buwan ng hulyo hanggang setyembre ang La Niña phenomenon sa bansa, ayon yan sa PAGASA. Ayon kay PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section Chief Ana Liza S. Solis, batay sa El Niño-Southern Oscillation (ENSO) Alert System, nasa 69% na ang probability ng La Niña kaya nanatili ang La Niña watch sa… Continue reading La Niña, inaasahang iiral sa ikatlong quarter ng taon – PAGASA

Mga pamilyang apektado ng El Niño, mahigit isang milyon na; tulong na naipaabot ng DSWD, higit ₱240-M na

Umakyat pa ang bilang ng mga naapektuhan ng El Niño sa bansa batay sa pinakahuling tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). As of May 15, aabot na sa 1,072,938 na pamilya o katumbas ng higit apat na milyong indibidwal ang lubhang naapektuhan ng El Niño. Ayon sa DSWD, ang mga apektadong komunidad… Continue reading Mga pamilyang apektado ng El Niño, mahigit isang milyon na; tulong na naipaabot ng DSWD, higit ₱240-M na

7 makeshift warehouse ng iligal na sigarilyo sa Palawan, ni-raid ng BIR

Sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pitong makeshift warehouses na naglalaman ng mga iligal na sigarilyo sa Palawan. Kasama nitong nagkasa ng operasyon ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), Bureau of Customs (BOC),at  Department of Health (DOH). Ayon kay BIR Commissioner… Continue reading 7 makeshift warehouse ng iligal na sigarilyo sa Palawan, ni-raid ng BIR

Paglabas ng IRR sa Amnesty Proclamation ng Pangulo, welcome kay Sec. Galvez

Binati ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. National Amnesty Commission (NAC) sa kanilang pag-isyu ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa Amnesty Proclamation ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa isang kalatas, sinabi ni Sec. Galvez na ang IRR ang magiging daan para sa mga dating rebelde na makumpleto ang kanilang normalisasyon tungo… Continue reading Paglabas ng IRR sa Amnesty Proclamation ng Pangulo, welcome kay Sec. Galvez