Pres. Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos, magkasamang bumati sa ika-27 taong kaarawan ng kanilang bunsong anak na si Vinny

Magkasamang bumati ang First Couple na sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr at First Lady Liza Marcos sa kanilang bunsong anak na si William Vincent Araneta-Marcos para sa ika-27 taong kaarawan ngayong araw. Sa mensahe ng Pangulo sa Presidential Son, pabirong sinabi ng Pangulo na dahil May 17 ngayon at birthday ni Vin ay siya… Continue reading Pres. Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos, magkasamang bumati sa ika-27 taong kaarawan ng kanilang bunsong anak na si Vinny

CSC, pinag-iingat ang publiko sa mga nagpapanggap na empleyado ng komisyon

Nagbabala ngayon Civil Service Commission (CSC) na may ilang mga indibidwal na nagpapanggap na kawani ng komisyon para makapambiktima. Naglabas ng pahayag ang CSC makaraang makarating sa kanila ang kumakalat na emails na gumagamit ng pangalan at logo ng komisyon at nagso-solicit sa ilang ahensya at indibdiwal. Ayon sa CSC, hindi dapat paniwalaan ng publiko… Continue reading CSC, pinag-iingat ang publiko sa mga nagpapanggap na empleyado ng komisyon

Imbestigasyon sa umano’y extrajudicial killings sa drug war ng nakaraang administrasyon, di gagamitin para sa ‘witch hunt’

Walang magaganap na “witch-hunt” sa gagawing imbestigasyon ng House Committee on Human Rights sa umano’y extrajudicial killings (EJK) na nangyari sa anti-illegal drug war ng nakaraang administrasyon. Ayon kay Manila Representative Bienvenido Abante, chair ng Komite, ayaw nilang magmukha na may sinisisi o hinuhusgahan sa gagawing pagdinig. Kaya maging ang mga kapamilya ng sinasabing biktima… Continue reading Imbestigasyon sa umano’y extrajudicial killings sa drug war ng nakaraang administrasyon, di gagamitin para sa ‘witch hunt’

Valenzuela LGU, may hatid na ₱25-M educational incentive sa mga magsisipagtapos na mag-aaral sa lungsod

Umarangkada na ang pamamahagi ng educational incentive ng Valenzuela LGU para sa mga estudyanteng magsisipagtapos ngayong school year. Ayon sa Valenzuela LGU, aabot sa ₱25-million ang kabuuang halaga na ilalaan sa educational incentive kung saan target na benepisyaryo ang nasa 16,252 graduating Elementary at Senior High School students mula sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.… Continue reading Valenzuela LGU, may hatid na ₱25-M educational incentive sa mga magsisipagtapos na mag-aaral sa lungsod

Electoral process hindi dapat nahahaluan ng ‘drama’ dahil sa candidate substitution

Kapwa pinuri nina Manila Rep. Bienvenido Abante at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang hakbang ng COMELEC na ipagpabawal na ang substitution dahil lang sa nag-withdraw ang isang kandidato Ani Abante, hindi maganda ang kalakaran ng substitution. Kung desidido aniya talaga tumakbo ang isang kandidato ay hindi ito dapat mag-urong-sulong. Sabi pa niya,… Continue reading Electoral process hindi dapat nahahaluan ng ‘drama’ dahil sa candidate substitution

Universal Social Pension para sa mga senior citizen, nakalusot na sa ikalawang pagbasa

Mabilis na umusad sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 10423 o Universal Special Pension para sa mga senior citizen. Sa viva voce voting pinagtibay sa ikalawang pagbasa ang panukala na magbibigay ng ₱1,000 kada buwan sa mga mahihirap na senior. Nasa ₱500 naman ang ipagkakaloob sa non-indigent senior sa unang limang taon bago itaas… Continue reading Universal Social Pension para sa mga senior citizen, nakalusot na sa ikalawang pagbasa

Presyo ng agri-products sa Agora Public Market sa San Juan City, bumaba ng ₱2 hanggang ₱5

Bumaba ng ₱2 hanggang ₱5 ang presyo ng ilang agricultural product sa Agora Public Market sa San Juan City ngayong araw. Ito’y ayon sa mga nagtitinda sa palengke ay dahil sa epektong dulot ng ipinatupad na bigtime rollback sa presyo naman ng mga produktong petrolyo kamakailan lamang. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, ilan sa mga… Continue reading Presyo ng agri-products sa Agora Public Market sa San Juan City, bumaba ng ₱2 hanggang ₱5

Ayudang naipaabot ng DSWD sa mga apektado ng El Niño, higit ₱250-M na

Patuloy pa ring nakaagapay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na naapektuhan ng matinding tagtuyot bunsod ng El Niño Phenomenon. Batay sa latest report ng DSWD Disaster Response Management, aabot na sa higit ₱250-million ang halaga ng humanitarian assistance na naipaabot ng ahensya sa mga magsasaka at mga residenteng nakaranas… Continue reading Ayudang naipaabot ng DSWD sa mga apektado ng El Niño, higit ₱250-M na

Mga miyembro ng transport coop sa Caloocan, makatatanggap ng dagdag suporta sa LTFRB

May dagdag kita ang mga jeepney driver na miyembro ng kooperatiba sa lungsod ng Caloocan. Kasunod ito ng paglagda sa Memorandum of Agreement para sa Service Contracting Program katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) National Capital Region. Pinangunahan nina Caloocan Mayor Along Malapitan ang paglagda ng kasunduan kasama si LTFRB NCR Regional… Continue reading Mga miyembro ng transport coop sa Caloocan, makatatanggap ng dagdag suporta sa LTFRB

Ilang jeepney driver, hati ang opinyon sa hulihan ng PUJ na di consolidated

Magkakaiba rin ang pananaw ng ilang mga jeepney driver na miyembro na ng coop sa pagsisimula ng hulihan sa mga pampublikong sasakyan na tumangging magpa-consolidate. Dito sa bahagi ng Visayas Avenue, karamihan ng mga jeepney driver ay may mga nakapaskil nang na sticker ng kanilang mga kooperatiba gaya ni Mang Rolly na miyembro ng Aguila… Continue reading Ilang jeepney driver, hati ang opinyon sa hulihan ng PUJ na di consolidated