Sen. Estrada, iginiit na walang batayan ang mga claim ng testigong si Jonathan Morales

Umaasa si Senador Jinggoy Estrada na ito na ang magiging huling pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs tungkol sa sinasabing leak sa mga data ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Giit ni Estrada, bagamat ikaapat na pagdinig na ito ng komite tungkol sa isyu ay wala pa ring nakapagpapatunay na totoo… Continue reading Sen. Estrada, iginiit na walang batayan ang mga claim ng testigong si Jonathan Morales

Senate President Juan Miguel Zubiri, tuluyan nang bumaba sa pwesto bilang lider ng Mataas na Kapulungan

Tuluyan nang bumaba sa pwesto bilang leader ng Senado si Senate President Juan Miguel Zubiri. Sa maiksing interview bago ang sesyon, una nang kinumpirma ni Zubiri ang change of leadership. Inamin ni Zubiri na heartbroken siya sa nangyari. Sa kabila nito ay patuloy pa rin aniyang susuportahan ni Zubiri ang independence ng Mataas na Kapulungan.… Continue reading Senate President Juan Miguel Zubiri, tuluyan nang bumaba sa pwesto bilang lider ng Mataas na Kapulungan

Gross gaming revenue ng PAGCOR, pumalo sa mahigit P80-B sa unang quarter ng 2024

Nakapagtala ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) 18.54% increase sa Gross Gaming Revenues nito para sa unang  quarter ng 2024 kung saan pumalo ito sa Php81.70 billion, mula sa dating  Php68.92 billion noong nakaraang taon sa kaparehong quarter.  Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco na patuloy ang record breaking performance ng Electronic… Continue reading Gross gaming revenue ng PAGCOR, pumalo sa mahigit P80-B sa unang quarter ng 2024

Pangulong Marcos Jr., kaisa ng buong mundo sa pakikidalamhati sa Iran sa pagpanaw ng lider nito

Kaisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng buong mundo sa pagpapaabot ng pakikiramay sa Iran, sa pagkasawi ni Iranian President Ebrahim Raisi at ng foreign minister nito na si H.E. Hossein Amir-Abdollahian, kasama ang pitong iba pa sa helicopter crash ngayong araw (May 20). Ayon sa Pangulo, kaisa rin ng lahat ang mga Pilipino… Continue reading Pangulong Marcos Jr., kaisa ng buong mundo sa pakikidalamhati sa Iran sa pagpanaw ng lider nito

Dating Executive Secretary Paquito Ochoa, itinanggi ang kaugnayan sa sinasabing 2012 illegal drugs operations laban sa mga high profile personalities

Humarap sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs tungkol sa ‘PDEA leaks’ issue si dating Executive Secretary Paquito Ochoa. Sa pagdinig, pinabulaanan ni Ochoa ang alegasyon ni dating PDEA agent Jonathan Morales na siya ang nag-utos na ipatigil ang operasyon noong 2012 laban sa mga high profile personalities na iniuugnay sa… Continue reading Dating Executive Secretary Paquito Ochoa, itinanggi ang kaugnayan sa sinasabing 2012 illegal drugs operations laban sa mga high profile personalities

Senate leadership, nagkaroon ng balasahan

Kasunod ng pagbibitiw sa pwesto ni Senate President Juan Miguel Zubiri ay sumunod ring nagbitiw sa pwesto ang ilang mga senador na kaalyado nito. Una na si Senador Joel Villanueva na bumaba sa pagiging Majority Leader ng Mataas na Kapulungan. Pumalit naman sa kanya bilang Senate Majority Leader si Senador Francis Tolentino. Nagbitiw rin bilang… Continue reading Senate leadership, nagkaroon ng balasahan

Dating PDEA agent Jonathan Morales, pina-contempt ng Senado

Pina-contempt ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales. Ginawa ito ng mga senador na pagdinig ng kumite ngayong araw tungkol pa rin sa isyu ng ‘PDEA leaks’ dahil sa paulit-ulit na pagsisinungaling nito. Partikular na kinuwestiyon ni Senador Jinggoy Estrada ang personal data… Continue reading Dating PDEA agent Jonathan Morales, pina-contempt ng Senado

Kamara, umaasang magpapatuloy ang maayos na relasyon sa Senado sa gitna ng pagpapalit ng Senate leadership

Nagpaabot ng pagbati si House Speaker Martin Romualdez kay Senator Chiz Escudero sa pagkakahalal nito bilang bagong Senate President. Aniya, matagal nang respetadong personalidad si Escudero sa politika na kilala sa kaniyang dedikasyon, integridad at commitment para sa mga Pilipino. Kasabay naman nito ay ipinaabot din ni Romualdez ang pasasalamat kay dating Senate President Migz… Continue reading Kamara, umaasang magpapatuloy ang maayos na relasyon sa Senado sa gitna ng pagpapalit ng Senate leadership

1st Mobile Force Company, kinilala ng Muntinlupa LGU

Kasabay ng pagtataas ng watawat ngayong Lunes ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ay binigyan din ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (P.R.A.I.S.E.) Committee ng certificate of recognition ang 1st Mobile Force Company ng Philippine National Police. Ang naturang seremonya ay pinangunahan ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon. Ito ay dahil sa kanilang kontribusyon… Continue reading 1st Mobile Force Company, kinilala ng Muntinlupa LGU

Senado, hinimok na i-adopt na lang ang bersyon ng Kamara ng Agricultural Tariffication Act amendment

Hinikayat ng mga miyembro ng Kamara ang Senado na i-adopt na lang ang kanilang bersyon ng panukalang amyenda sa Rice Tariffication Law. Ayon kay Taguig 2nd district Rep. Pammy Zamora dahil sa mayroon na lang 3 session days ang Kongreso, maigi na i-adop na lang ng Senado ang kanilang bersyon upang hindi na dumaan pa… Continue reading Senado, hinimok na i-adopt na lang ang bersyon ng Kamara ng Agricultural Tariffication Act amendment