Isinuko ng kinatawan ng Kingdom of Jesus Christ na pinamumunuan ni Pastor Apollo Quiboloy ang 21 armas sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Davao nitong Sabado.
Ayon kay CIDG Director, Police Maj. Gen. Leo Francisco, isang Atty. Israelito ang nagsuko ng mga baril na pag-aari ng isang Cresente Chavez Canada.
Isinuko ang mga baril sa Kingdom of Jesus Christ Compound sa Sasa, Davao City.
Sinabi ni Maj. Gen. Francisco na ang pagsuko ng mga baril ay bahagi ng kampanya laban sa loose firearms o ang Oplan Paglalansag Omega ng PNP. | ulat ni Leo Sarne
📸: PNP